PiNoy todo endorso kay Belen Fernandez at Manay Gina
Todo-todo ang pag endorso ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino sa kandidatura ni Vice Mayor Belen Fernandez bilang mayor ng Dagup...

https://policeheadlines.blogspot.com/2013/03/pnoy-todo-endorso-kay-vice-mayor-belen_15.html
Todo-todo ang pag endorso ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino sa kandidatura ni Vice Mayor Belen Fernandez bilang mayor ng Dagupan City sa darating na May 13 elections.
Bagamat sa March 29 pa
ang official start ng campaign period para sa mga local candidates ay hindi
napigilan ni President PNOY ang kanyang pagsuporta kay Vice Mayor Belen Fernandez.
Importante ayon sa
Pangulo na ang iboboto ng mga tao ay mga kandidatong alam nyang kasangga nya
parasa kanyang advocacy na Tuwid na Daan.
Importante ayon sa
Pangulo na may teamwork kaya nararapat lamang na yong mga taong alam nyang
magsa sama sama upang tulungan sya sa kanyang administrasyon ang pipiliin ng
mga tao sa darating na halalan.
Hindi maitago ng Pangulo
ang kanyang paghanga kay Vice Mayor Belen Fernandez na kung saan sya
aniya yong taong hindi mahilig sa salita pero puro gawa. Workaholic at hindi
puro rhetoric. Amay arom
puro labir labat
pero si Vice Mayor Belen Fernandez puro trabaho, aksyon agad.
Yong ibang kandidato
kasi mahillig lang mag drama, mag daldal, manira ng ibang tao pero mismong si
Presidente PNoy na ang nagsabi na tapat sa tungkulin, may integridad, tunay na
makakatulong sa kanyang administrasyon si Vice Mayor Belen Fernandez lalo nat
pag mahalal sya bilang mayor ng Dagupan.
Tuwang-tuwa naman at
palakpakan ang tinatayang tatlong libong tao (3,000) na nakarinig at sumaksi sa
talumpati at endorsement ni President PNoy kay Madam Belen sa ginanap na
pagtitipon sa CSI Stadia kahapon.
Sinabi pa ng Pangulo na
itong eleksyon ang magbibigay ng karapatan sa mga tao na pumili ng mga tamang
kandidato para akayin ang mga tao sa tamang direksyon.
“Buong-buo ang loob ko
na pag si Belen ho ang naupo ay talaga naman pong umaarangkada ang Dagupan”. Yan mismo ang sinabi ni Presidente Aquino.
Tingnan nyo nga naman
ang tiwala ni PNoy kay Mam Belen. Kahapon ng umaga, pinuri din nya ng ilang
beses si Congresswoman Manay Gina de Venecia noong pinangunahan nito ang
inagurasyon ng Region 1 Medical Center Emergency Room Complex dito sa Dagupan
City.
Sinabi ng Pangulo ang
mga malalaking proyektong dinadala ni Manay Gina sa kanyang distrito, lalo na
sa Dagupan, ay suportado niya ang pag release ng pondo dahil tiwalang tiwala
siya sa kakayahan ni Manay Gina na tulungan sya sa kanyang hangarin mabigyan ng
tunay at malinis na serbisyo ang tao.
Yan ang kagandahan kapag
ang mga opisyal na pipiliin natin ay mga kasangga ng ating Pangulo dahil sagana
tayo sa mga proyekto. Madaling makakuha ng proyekto para sa tao gaya ng
ginagawa ni Manay Gina ngayon dahil alam ng ating Pangulo na walang haw shaw at
pawang sa ikabubuti ng tao ang mga project na kanyang hinahanapan ng pondo.
Kung ngayon pa lamang ay
marami nang naiuuwing projects si Manay Gina para sa Dagupan, eh how much more
kapag ka tandem na nya sa panunungkulan si Mam Belen bilang mayor ng Dagupan?
Maabilidad, may tamang
koneksyon sina Manay Gina, Vice Mayor Belen Fernandez, Michael Fernandez at ang
kanilang buong team dahil sila ang tulay ng Dagupan tungo sa Malacaňang