Gobernador ng Pangasinan, ipinag-utos ang malaliman na imbestigasyon sa pamamaril sa isang publisher
PCI Mangonon, hepe ng Sta. Barbara PNP. Jaime Aquino Ipinagutos di Gobernador Amado Espino, Jr. ang malaliman at walang kinikiling...
https://policeheadlines.blogspot.com/2013/07/gobernador-ng-pangasinan-ipinag-utos.html
PCI Mangonon, hepe ng Sta. Barbara PNP. |
Jaime Aquino |
Si Aquino ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Dagupan dahil sa isang tama ng kalibre 45 sa kanyang likuran na tumagos sa kanyang dibdib. Isang baga ng nasabing mediaman ang inalis ng kanyang doctor dahil sa matinding pinsala na idinulot ng pamamaril na naging sanhi kung bakit hanggang ngayon ay hirap pa rin ito sa paghinga.
Ayon sa hepe ng Sta. Barbara na si PCI Giovani Mangonon maaring sinusundan na si Aquino ng tatlong suspek at nakakuha sila ng magandang tiyempo ng ito ay umihi metro ang layo sa kanyang kotse kung saan naroon ang kanyang dalawang baril.
Nakatakbo si Aquino sa kanyang kotse at doon na ito napalugmok. Idinagdag ni Mangonon na sa mga oras na yon nagsasagawa ng pagpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa nasabing lugar. Isang tawag ang kanyang natanggap kung kaya’t bumuwelta kaagad ang kanilang patrol car at naabutan si Aquino na nanghihina na at duguan sa loob ng kanyang sasaskyan.
”Naniniwala ako na dahil sa police visibility hindi nagawang tapusin ng mga suspek si Aquino dahil sa presensiya ng pulis sa oras na iyon,” pahayag ni Mangonon. Ang nagrespondeng pulis din ang nagtakbo sa mediaman sa ospital.
Bago ipinasok sa operating room may tinukoy na pangalan si Aquino na kaagad naman na ginawan ng operasyon ng pulisya na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawa sa tatlong suspek. Sinabi ni Mangonon na iimbestigahan nila ang dalawang nasakote na binanggit ng mediaman na nakilala diumano niyang bumaril sa kanya. Magsasagawa ng paraffin test ang pulisya para malaman kung may pulbura sa kamay ng mga suspek. Tuloy din ang manhunt sa isa pang suspek na nagtatago na.
Ayon sa live-in partner ni Aquino wala naman daw natanggap na death threat ito bago ng pamamaril.
Naging kontrobersiyal si Aquino dahil sa kanyang mga batikus sa kanyang column sa inilalathala niyang Northern Star. Pinaghihinalaan na nasa likod din ito ng ilang political “black propaganda” na ikinalat kontra sa ilang mayor sa Pangasinan sa kasagsagan ng 2013 election.
Noong election isang natalong tumakbong Gobernador daw sa Pangasinan ang gumamit ng anak ni Aquino na magsilbing saksi sa isang gawa-gawang kaso kontra kay Gobernador Amado Espino, Jr., Kongresman Boying Celeste at Gob. Ebdani ng Zambales na diumano’y isinasangkot sa pagpatay kay Mayor Ruperto Martinez ng bayan ng Infanta.
Kinontra naman ni Aquino ang pagdawit sa mga nabanggit na opisya at sinabi niyang ginagamit lang ang kanyang anak para sa kanilang pansariling interes. Si Aquino ay isinama sa demanda dahil sa alegasyon na may alam daw ito sa planong pagpatay kay Mayor Martinez.
Ayon sa theory ng pulisya maaring nararamdaman ni Aquino ang banta sa kanyang buhay dahil may dala itong dalawang lisensiyadong Kalibre 45 at isang 9mm na baril na hindi na rin niya nagamit para protektahan ang kanyang sarili ng siya ay barilin.
Kinondena naman ng local na media ang insidente. Ayon sa ilang mamahayag, kailangan magkaroon ng mabilis na aksiyon ang pulisya para hindi masanay ang ilang pulitiko o kriminal na tila banta sa malayang pamamahayag sa Pangasinan.
Si Aquino ay kabilang lamang sa dumagdag na biktima ng talamak ng barilan na nagaganap sa Pangasinan na ngayon na yaon sa pinakahuling tala ay umaabot na sa mahigit 124 na kaso.
Hirap na rin sa bayarin ang asawa ni Aquino na nagsabing sinisingil na sila ng ospital ng P100,000 kahit na hindi pa man din natatapos ang panggagamot sa mediaman. Sa reklamo rin ng misis ng biktima, masyadong mahigpit at hindi makatao ang trato ng mga security guard ng ospital mula sa ahensiyang Mancar na ayaw magpapasok ng mga bisita ng kanyang mister.
Pati mga kagawad ng media na kumukuha ng update sa kalagayan ng asawa ay itinataboy daw ng mga nasabing sekyu.