Gov. Espino at Cong. Celeste, natawa matapos idawit sa pagpatay kay Mayor Martinez ng Infanta
Cong. Boying Celeste, habang nagsasalita sa isang press conference sa Alaminos City. Isang ngiti at tawa ang ipinahiwatig ni Cong....
http://policeheadlines.blogspot.com/2013/02/gov-espino-at-cong-celeste-natawa_12.html
Cong. Boying Celeste, habang nagsasalita sa isang press conference sa Alaminos City. |
“Papaano
mangyayari yan samantalang si Mayor Martinez na para naming kapatid ay mahigit
dalawampung taon na naming kasama sa pulitika,” pahayag ng Kongresman.
Inilahad
din ni Celeste ang naunang sulat nito sa National Bureau of Investigation sa
Dagupan kung saan hinihiling nito ang agarang imbestigasyon matapos na barilin
ang nasabing alkalde.
Sinabi
rin ni Celeste na bago pa isampa ang kaso sa kanila ni Espino, nagpunta ang
kapamilya ng napaslang na mayor upang ipabatid na ipinapatawag daw sila ng NBI
sa Manila kaugnay ng pagsasagawa ng imbestigasyon.
Sinabi
pa ni Celeste na sinabi raw sa kanya ng kapamilya ng alkalde na hindi na sila
pumunta sa Maynila dahil sa kawalan ng interes dahil hindi sila naniniwala sa
akusasyon na may kinalaman ang Kongresman at Gobernador sa pagpaslang.
Idinagdag
din ni Celeste na nang nakausap niya ang Gobernador simple lang daw ang naging reaksiyon
nito sa nasabing balita—“Marumi talaga ang pulitika nila,” wika raw ng
Gobernador na tumutukoy sa kanyang mga katunggali na gumagawa ng lahat ng
paraan upang siraan siya.
Maalala
na kailan lamang ang daming ipinupukol na akusasyon sa Gobernador ng kampo ng
kanyang mga katunggali sa pulitika gaya na lang ng pagkakaroon daw ng “blacksand
mining” sa Lingayen na pinabulaanan naman ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR), pagsasampa ng kasong pandarambong o plunder sa
Ombudsman dahil daw sa operasyon ng jueteng sa Pangasinan at iba pang mga
akusasyon.
Bago
lumabas ang mga nasabing puro mga imposibleng akusasyon, ikinalat din noong
nakarang taon na naatake si Espino sa puso habang ito ay naroon sa Estados
Unidos upang dumalo sa isang imbitasyon.
Kamakailan
ay inaresto ng pulisya ang suspek sa Martinez case na si Ricardo “Kardo”
Legarda at Richard Manuel matapos nilang likidahin ang mayor sa mismong bahay
nito sa Barangay Cato, Infanta.
Halatado
na pulitika naman ang tinitignan na motibo ng pagpatay kay Martinez na kaalyado
ng mga Celeste. Bago ito napaslang isang rally ang isinagawa ng diumanoy
militanteng grupo na binubuo ng mga estranghero at bagong salta sa Infanta na
galit na galit kay Martinez dahil sa pagpayag nito sa nagaganap na “nickel
mining” sa nasabing bayan.
Ang
nasabing rally ay inorganisa naman ng tauhan ng isang alkalde sa Western,
Pangasinan na dati raw may koneksiyon sa mga taong labas at New People’s Army.
Bigla
namang pinalutang ang isang saksi na kinilala ni NBI Director Nonnatus Rojas,
isang16-anyos na nagbigay naman daw ng detalyadong kuwento sa naganap na
krimen.
Ang
nasabing bata ay anak daw ng isang kaibigan ni Espino at naroon daw siya sa
isang meeting sa mismong El Pescador Beach Resort Bolinao, na pag-aari ni Kong.
Celeste ng isinagawa ang planong pagpaslang kay Martinez.
Ang
nasabing bata ay isinailalim na raw sa proteksiyon at pangangalaga ng DSWD.
Hindi
naman nagbigay ng anumang reaksiyon ang kampo ni Espino dahil mas nauna pa
yatang ikinalat ang kaso sa media at wala pa daw natatanggap na kopya ng kaso
ang punong ehekutibo.