Nakakadudang 'special session" ng city council ng Dagupan, isinagawa

Ang siyam na konsehal na nag-apruba sa resolusyon Pagbebenta ng McAdore Palace inaprubahan sa nakakadudang special session Maraming n...

Ang siyam na konsehal na nag-apruba sa resolusyon
Pagbebenta ng McAdore Palace inaprubahan sa nakakadudang special session
Maraming nagulat sa biglang desisyon ng Sangguniang Panglunsod na desisyunan ang pagbibigay ng awtorisasyon kay Mayor Benjie Lim upang ibenta ang McAdore Palace at iba pang mga pag-aair ng lungsod.


Ikinagulat din ni Vice-Mayor Belen Fernandez nang makatanggap ng liham mula sa tanggapan ng alkalde ng Dagupan ang sangguniang panlungsod na humihiling na magsagawa ang konseho ng isang special session noong Byernes, ika-20 ng Abril upang ipasa ang isang resolusyong magpapahintulot umano na maibenta ng lokal na pamahalaan ang McAdore building at lupang pagmamay-ari ng siyudad na matatagpuan naman sa bayan ng Calasiao. 

Malinaw na pinirmahan ng alkalde ang nasabing sulat.

Kaduda-duda umano ang timing ng request na ito lalo’t wala sa Dagupan si Vice-Mayor Belen Fernandez at kalian lamang ay inaprubahan na rin ng SP ang P581 milyong pisong pondo nitong Marso kasunod din sa pagpasa ng P10 M na  supplemental budget.

Ayon sa bise-alkalde kinakailangang malaman din ng konseho at ng taumbayan kung saan planong gamitin ang mapagbebetahan sa nasabing mga properties upang hindi na umano muling malugi ang lungsod tulad na lamang ng P16 milyon na Awai property sa bayan ng San Jacinto  na hindi nagamit,  ang P49 M  dredging machine na binili ng Dagupan pero hindi lubusang pinakinabangan at ang Malimgas Market na naitayo sa tulong ng mahigit P281 M loan sa Land Bank of the Philippines noong Marso 2004 at binabayaran ng syudad hanggang sa matapos ang 15 taon.

Bukod sa nakakadudang  tyempo ng pagsasagawa ng “fastbreak” na special session, nagpahayag ng pangamba ang mga maraming vendors na posibleng mawalan ng puwesto kapag nabenta na ang nasabing property.

Ang nasabing special session ay isinagawa alas singko ng hapon noong ika-20 ng Abril kung saan dinaluhan ito ng mga myembro ng konseho na sina councilor Jesus Canto, Chito Samson, Brian Lim, Red Erfe Mejia, Karlos Reyna, Dada Reyna, Alvin Coquia, Emong Vallejos at Chester Gonzales.

Sa isang iglap naipasa ang draft resolution R-4902 o resolusyong nagpapahintulot na pangunahan ng alkalde ng lungsod ang pagbebenta ng Mc Adore International Palace at lupang pagmamay-ari ng Dagupan sa bayan ng Calasiao at ang perang mapagbebentahan nito ay gagamitin umano sa priority development programs and projects ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.

Sanhi ng pagkagulat ng publiko sa nangyaring biglaang pagbaliktad ngf konseho ay ang katotohanan ay dati namang masusing pinag-aaralan muna ang bawat batas bago ito ipasa, pero sadyang nakakapagtaka daw ang pagpapalit ngt isipan ng mga konsehal na dati kontra sa pagbebenta ng Mc Adore Palace.

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

72868

HOT IN THE WEEK

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item