Mga infra-projects ni Manay Gina sa Dagupan, ihinayag
Si Congresswoman Gina de Venecia habang nagbibigay ng gamot kontra sa liptopirosis kamakailan. Dahil naniniwalang ang pagkakaroon ...
http://policeheadlines.blogspot.com/2012/09/mga-infra-projects-ni-manay-gina-sa.html
Si Congresswoman Gina de Venecia habang nagbibigay ng gamot kontra sa liptopirosis kamakailan. |
Dahil naniniwalang ang
pagkakaroon ng maayos na infra-strucure ay isa sa susi para patuloy na umunlad
ang Dagupan, maraming projects ngayon ang sabay-sabay na ipinapagawa ni
Congresswoman Gina de Venecia, kabilang na ang mga kalsada sa Mayombo, Tapuac,
Arellano-Bani at Lucao, at ang natapos nang Bonuan- Gueset Road.
Ngayong 2012, ilan sa
mga projects na natapos na rin ang kalsada sa Barangay 1;ang Bonuan- Boquig
road; at ang kalsada sa harap ng eskuwelahan sa Pantal.
Eighty percent complete
na rin ang drainage system ng Barangay 2, Barangay 3 at Poblacion Oeste,
gayundin ang concrete pavement sa Carael, ang repair ng barangay hall ng
Barangay 5 , ang repair ng Tambac road worth 2.5 million, at ang concreting ng
Pantal road, Sitio China road sa Bonuan-Binloc, gayundin ang Phase 3 ng Mental
Health Building.
Halos tapos na rin ang
concrete pavement sa Zone 9 ng Malued, at ang pavement sa tabi ng basketball
court sa Bacayao Norte, ang concreting ng Caranglaan Elementary School gym, ang
improvement ng Day- Care Center sa Pogo- Chico, ang Arellano- Bani road sa
Pantal, ang phase 1 ng covered court sa Pantal, worth one million, pati na ang
shoulder sa tabi ng simbahan sa Bonuan- Binloc.
Ang mga proyekto naman
na kanyang napondohan at gagawin, bago matapos ang taon, ay ang kalsada at
drainage ng Jose de Venecia Hi-way na nagdurugtong sa Calasiao at Dagupan, at
ang kahabaan ng A.B. Fernandez Avenue, na itataas ng isang metro.
Ipapagawa na rin ang
repair ng covered court sa Bacayao Sur; ang concreting ng Arellano- Bani at
Calmay- Carael road; ang drainage sa Calmay; ang covered court ng Pantal, worth
1. 5 million; ang repair ng Barangay Hall ng Caranglaan; isang school-building
sa Dagupan City National High School; ang multi- purpose building sa
Bonuan-Gueset; at ang Day-Care Center sa Bonuan Binloc.