Apat, biktima ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Pangasinan

Apat na mga biktima ng pamamaril ang iniulat ng pulisya sa loob ng isang araw na naganap sa magkaka-ibang lugar sa lalawigan ng Pangasinan. ...

Apat na mga biktima ng pamamaril ang iniulat ng pulisya sa loob ng isang araw na naganap sa magkaka-ibang lugar sa lalawigan ng Pangasinan.


Ayon sa police blotter ang mga suspek ay ang karaniwan ng iniuulat na riding-in-tandem o mga armadong nakamotorsiklo na patuloy na namamayagpag sa paggawa ng krimen.


Dalawang magkapatid ang iniulat na napatay sa pamamaril na naganap sa Las Villas Subdivision sa national Road sa Brgy. Catablan, Urdaneta City noong Agosto 10, 2013 bandang alas 6:00 ng gabi.


Ang mga biktima ay sina Renato Magallanes y Ayes, 39-anyos at Roberto Magallanes y Ayes, 49-anyos, mga magsasaka at nakatira sa Sitio Calegu, Brgy Catabian, Urdaneta City.


Ang mga nasabing biktima ay nakasakay sa kanilang gamit na ‘Kuliglig’ nang dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng Honda XRM na motor na kulay silver at walang plate number na diumanoy sumusunod sa kanila ang nagpaputok sa kanila Kalibre .45 na pistol.


Ang mga nasabiong biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ay itinakbo sa Divine Mercy Hospital sa Brgy San Vicente West, Urdaneta City subalit namatay din ang mga ito.


Isang magkasanib na imbestigasyon na binubuo ng SOCO Team ng Urdaneta City police at ng PNP Prov’l Crime Lab Office processed para sa pagproseso ng anim na basyo ng bala ng Kalibre .45 para sa posibleng pagtukoy sa ikalulutas ng nasabing krimen.


Ang insidenteng ito ay sinundan naman ng isa pang pamamaril na naganap sa Plaridel Street, Brgy ‘D’, Tayug bandang alas 8:50 ng gabi ng August 10, 2013.


Ang mga biktima ay sina Rogelio Alejo y Blanza, 28-anyos, walang asawa, at residente Brgy Aglipay, San Nicolas at Jake Ravara y Cabanizas, 24-anyos, walang asawa, at residente ng Plaridel Street Brgy ‘D’, Tayug.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng pulisya ng bayan ng Tayug ang mga biktima ay nanonood ng TV sa residente ng mga Ravara ng bigla silang pagbabariulin ng suspek na si Ernesto Callejo, Jr y Juanitez, 39-anyos, may-asawa at residente ng Antiporda Street, Brgy Trenchera, Tayug.

Si Rogelio Alejo ay nagtamo ng tama sa harapan na bahagi ng kanyang katawan na tumagos sa kanyang likuran na tumama naman sa kaliwang braso ni Jake Ravara.

Ang biktimang si Rogelio Alejo ay itinakbo sa Family Hospital samantalang si Jake Ravara ay sa Eastern Pangasinan District Hospital, Tayug para malapatan ng lunas.

Agad tumakas ang suspek lulan ng isang owner type jeep papasok ng Brgy of Magallanes sa Tayug at dahil sa ikinasang operasyon sa pamumuno ng hepe ng pulisya ng Tayug na si PSupt. Rhode Allas Espero nahuli ang suspek subalit hindi naman nakuha ang armas na ginamit sa nasabing krimen

Related

POLICE REPORT 3549622215976000929

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item