Pagsisid ng coastguard divers sa Sumaguing Cave, itinigil na

Ang nawawala pa rin na turista na si Eiren Manaois Ang rescue na patuloy na ginagalugad ang loob ng Sumaguing Cave sa Sagada Tumigi...

Ang nawawala pa rin na turista na si Eiren Manaois

Ang rescue na patuloy na ginagalugad ang loob ng Sumaguing Cave sa Sagada
Tumigil na ang operasyon ng apat na divers mula sa Philippine Coast Guard sa La Union matapos na nilang suyurin ang ilang malalim na parte ng Sumaguing Cave kung saan pinaniniwalaan na nalunod ang isang turista na Dagupeno.

Ayon sa ulat ng Office of the Civil Defense Cordellera Region tututukan muna ng mga rescue team doon ang paglilimas sa ilang pool sa loob ng kuweba. May ilang malalim na bahagi dito ang nilimas na ang tubig gamit ang mga pumping machine, subalit walang nakita dito na mga labi ng Dagupena na si Eiren Manaois na pinaniniwalaang nalunod noong Linggo, petsa Agosto 18, 2013.

Si Manaois ay kabilang sa mahigit na 30 turista na pumasok sa Sumaguing Cave noong umaga ng Linggo subalit dahil sa masamang panahon at malakas na buhos ng ulan, tumaas ang tubig sa loob ng kuweba na nagresulta sa paglakas ng agos. Dahil dito nakulong sa loo bang mga turista subalit sinawimpalad naman na tangayin ng agos si Manaois.

Maliban kay Manaois, nailigtas naman ang mga ibang turista umaga ng Lunes at nadala ang mga ito sa isang ospital sa Sagada.

Napag-alamn din na magbabawas na ng mga tao na naghahanap sa nawalang turista mula 50 katao sa umaga na papalitan naman ng 50-kataong grupo sa bandang hapon.

Dalawang mayor na kinabibilangan nina Mayor Eduardo Latawan ng Sagada at Mayor Wilington Pooten ng kalapit na bayan na Basiao ang tumutulong na rin sa nasabing search.

Ayon pa sa OCD-Cordellera pinaghihinalang natabunan ang biktima dahil sa mabato at mabuhangin ang ilalim ng ilang tunnel dito. Natagpuan din ang susi ng biktima sa kanyang kuwarto sa isa sa mga nalimas nilang tunnel subalit walang bakas ng labi ng nasabing turista.

Inihahanda na ang paglimas sa huling tunnel na may lalim na 25 feet bukas at kung wala pa ang biktima maaring magsagawa ng ibang plano ang search group.

Lahat na ng ibang mga turista na naospital pagkatapos ng insidente ay nakauwi na maliban na lang sa isang lalaki na taga Quezon City na nagkaroon ng bali sa kanyang hita at nagpapagaling pa sa St. Theodore hospital.

Ayon sa OCD hindi pa rin bibitiw ang kanilang ahensiya sa pagmonitor sa search operation at patuloy silang makikipag-ugnayan kay Robert Pangod ng munisipaledad ng Sagada kaugnay sa patuloy na search operation.

Binubuo ng inter-agency ang search group na kinabibilangan ng Local Government ng Sagada, Philippipne National Police at Philippine Army. (Benjie Buenaventura)

Related

NEWS 5228391635613448920

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item