BINCE, BUMIRA NA RIN KAY COJUANGCO

LINGAYEN— "Pinupulitika ni Mark Cojuangco ang pamumutol ng puno isyu.” Ito ang tugon ni 6th District Board Member Alfie Bince sa m...


LINGAYEN— "Pinupulitika ni Mark Cojuangco ang pamumutol ng puno isyu.”

Ito ang tugon ni 6th District Board Member Alfie Bince sa mga nakaraang upak at mapang-insultong pahayag ng nag-aambisyon na maging gopbernador sa 2016 na si mark Cojuangco tungkol sa isyu ng pamumutol ng mga puno sa Manila North Road.

Pinabulaanan ni Bince sa kanyang privilege speech sa ginawang sesyon ng Sangguniang panlalawigan nitong September 22, na hidi namumulitika ang mga board members gaya ng ipinaparatang ni Cojuangco.

Kaya daw ipinasa ng board ang Provincial Resolution No. 400-2014 ay para igiit ang layunin ng Provincial Resolution 269-2014.

Nag-ugat din ito sa pangamba ng environmentalist group gaya ng Greenresearch na pinamumunuan ni Fr. Robert Reyes at iba pa na wala naming masamang motibo para pibilan ang panukalang walang habas na pamumutol ng puno ni Cojuangco.

Nauna rito binatikus ni Cojuangco ang isang agreement na nagtatakda ng “pagpapatigil sa pamumutol ng mga puno sa MNR, isang policy na nagresulta sa isang consultative meeting na sinalihan ng ilang mga ahensiya ng gobyerno at probinsiya noong buwan ng Agosto.

Dahil sa kanyang halatadong pagkainis, tinawag ni Cojuangco ang agreement na “pamunas ng puwet” o “toilet paper”, na ayon kay Bince pambabastos at pagpapakita ng kawalan ng respeto ni Cojuangco sa mga local na mambabatas at provincial officials.

Ayon pa kay Bince, kuwenistyon din ni Cojuangco ang isang resolution na inakda ni BM Generoso Tulagan, Jr., SP Chairman ng environment committee, na kinutya pa ni Cojuangco na hindi taga 5th District.

Pinagsabihan pa ni Bince si Cojuangco na basahin ang kolum ni Neal Cruz ng Philippine Daily Inquirer kung saan inilarawan niya si Cojuangco na walang imahinasyon kundi magalit dahil sa kanyang kagustuhan na magpatuloy ang pamumutol ng mga punong kahoy.

Sa kolum ni Cruz na binasa ni Bince sa ibang bansa isinasagawa raw ang pagpapaluwang ng mga kalsada na hindi kailangan na pumutol ng puno.

Sa kanyang tugon sa pahayag ni Cojuangco na umakda raw ang SP ng isang resolution na sumasalungat sa environment code, wala daw conflict sa nasabing resolution, ayon kay Bince.

Ayon pa kay Bince na isang beteranong mambabatas ang isang resolution ay pagpapahayag lang ng sentimiyento kaugnay sa pagkontra ng mga nakakarami sa pagputol sa mga puno.

“Ang resolution ay hindi kayang baguhin ang environment code,” paliwanag ni Bince.

Dahil dito, pahayag ni Bince, ang posisyon ng Sangguniang Panlalawigan ay hindi iantala ang anumang lehitimo na magbibigay benepisyo sa mga mamayan ng Pangasinan.

Idinagdag pa ni Bince hindi dapat kutyain ni Cojuangco ang mga board members na nagmamalasakit ng ibang distrito dahil kahit na may sariling distrito kung saan inihalal ang mga ito, sila ang mga local na mambabatas pa rin ng buong lalawigan.





Related

NEWS 4711751453491436501

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item