Cojuangco, wala raw respeto sa mga lokal na opisyal ng gobiyerno
Nagpahayag ng kalungkutan si Pangasinan Gob. Amado Espino, Jr. bilang reaksyon sa mga pahayag ni dating Kongresman Mark Cojuangco ng ika-...
http://policeheadlines.blogspot.com/2014/09/cojuangco-wala-raw-respeto-sa-mga-lokal.html
Nagpahayag ng kalungkutan si Pangasinan Gob. Amado Espino, Jr. bilang reaksyon sa mga pahayag ni dating Kongresman Mark Cojuangco ng ika-5 Distrito ng lalawigan na nagpapahiwatig ng kanyang pang-iinsulto at kawalan ng paggalang sa mga lokal na opisyal ng lalawigan, ganun na rin sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Binasag ni Espino ang kanyang pananahimik matapos maghamon ng debate si Cojuangco tungkol sa diumano'y isyu ng kung dapat bang putulin o hindi ang mga punong kahoy na nakatayo sa gilid ng Manila North Road (MNR).
Lumalabas na inalipusta ni Cojuangco ang pirmahan na naganap sa isang Concultative Meeting on Tree Cutting sa MNR na pinirmahan ng ilang representative mula sa iba't-ibang ahensiya ng gobiyerno tulad ng Department of Environment, Department of Public Works and Highways, Green Research at pamahalaang ng probinsiya.
Tinawag ni Cojuangco ang agreement bilang "toilet paper" at mga "bayaran" ang mga pumirma dito.
Ang nasabing agreement na pirmado ng mga kinatawan mula sa DENR, DPWH, provincial government at environmental group ay siya ring naging dahilan kung bakit nagpalabas ng Reolution No. 400-2014 ang Sangguniang Panlalawigan na tumututol sa pagputol ng mga kahoy sa mga national at local na kalsada ng lalawigan ng Pangasinan.
Sinuportahan ng isang direktiba ang nasabing posisyon na ipinalabas ni DENR Sec. Ramon Paje at DPWH Sec. Rogelio Singson.
Ayon naman kay Cojuangco naantala daw ang proyekto ng national government na road widening sa ikalimang distrito na matagal ng inumpisahan. Isang pananabotahe rin daw ang pagpirma sa nasabing agreement.
Ayon naman sa hamon na debate ni Cojuangco sa kanya, sinabi ni Espino na siya ay para sa pagtatanim at preserbasyon ng punong-kahoy samantalang si Cojuangco ay para sa pagpuputol ng mga kahoy kung kaya't sinabi nito na "hindi rin magtutugma ang kanilang isip at walang saysay ang anumang debate".
Lumalabas na pikon na rin si Cojuangco at sinabi nito na dapat ipakita ni Espino ang kanyang posisyon sa isyu at hindi kung sino-sino na lang ang inaatasan nitong magsalita.
idinagdag pa rin ni Gob. Espino na bilang nakaupong gobernador ng lalawigan, hindi ito makikipag-debate sa isang simpleng mamayan na tulad ni Cojuangco.
Ipnahayag ni Espino na buo ang kanyang pasya upang hindi payagan ang anumang pamumutol ng kahoy sa Manila North Road dahil kung gusto ni Cojuangco ng walang trapik at mabilis na usad ng mga sasakyan, mayroon naman daw superhighway na isinagawa ang pamahalaan tulad ng TPLEX.
Ilang observer naman ang nagsabi na si Cojuangco ay nagiging "unpopular" sa kanyang pagpupumilit na putulin pa ang 1,200 puno sa MNR upang makompleto na raw ang rewidening project sa nasabing distrito. Paniwala ng ilang botante sa lalawigan tila wala daw pakiaalam si Cojuangco kahit na masira ang kalikasan dahil mas prayoredad nito ang negosyo.
Nauna ng tinuligtsa si Cojuangco ng running priest at environmentalist na si Fr. Robert Reyes na nagsabing kaya daw nagpupumilit si Cojuangco sa rewidening project ay upang lumakas ang negosyo nitong semento mula sa planta nito sa Sison, Pangasinan