Bangus Festival, di masyadong naramdaman
Ang mga kalahok sa "street dancing" competition Bukod sa sobrang init ng panahon at halos hindi na makalabas ang mga tao p...
http://policeheadlines.blogspot.com/2012/04/bangus-festival-di-masyadong-naramdaman.html
Ang mga kalahok sa "street dancing" competition |
Bukod sa sobrang init ng panahon at halos hindi na makalabas
ang mga tao para mamasyal, hindi gaanong kagandahan ang silebrasyon ng Bangus
Festival ngayon dahil halos nilangaw din ito. Ebidensiya na rin ang reklamo ng
mga ilang negisyanteng umupa ng napakamahal na puwesto na halos wala rin silang
kinita sa kanilang mga negosyo.
Kung ang pinakamahalagang araw na bahagi ng festival ay ang pagkakaroon ng Kalutan at Guilon-Guilon
lang, baka puwedeng maging dalawang araw na lang ang pagsasagawa ng festival na
yan para bawas gastos naman ang lungsod.
Alam naman natin na sobrang laki ng pondong pinapakawalan ng
siyudad para lamang sa napakamahal na pagdiriwang. Nagsisilbi pa yata ito na
ugat ng katiwalian dahil sa nakikitang bangayan ng dalawang sangay ng gobiyerno
ng Dagupan ang konseho at ehekutibo.
Maging ang mga barangay ay umaangal na rin dahil sa maging
sila ay nangangailangan na rin ng pondo para daw sa promosyon ng Bangus
Festival sa mga barangay. Papaano nagkaganun samantalang karamihan daw sa mga
aktibidad hindi naman ginaganap sa mga barangay kundi sa bagong tayo na mall sa
Calasiao.
Nagmistulan na raw na Bangus at Puto Festival ang nangyayari
dahil sa pagganap ng ibang event sa bayan ng Calasiao na parang ang isa sa mga
intensiyon ay bigyan ng promosyon ang bagong mall na sobrang mahal ang mga
panindad.
Maging ang premyo ng mga kalahok sa mga “street dancing” ay
kakarampot na rin dahil na rin sa balita na mas lumaki ang nagagastos ng mga
kalahok sa kanilang costume at bukod doon halos wala na ring matira sa premyo
dahil sobrang laki din daw ang kinakabig ng mga bading na instructor ng mga nasabing street dancer.
Ang mga bata
na kalahok na halos matumba na sa kanilang pagpe-perform sa gitna ng
sumasagitsit na araw ay barya na lamang ang naiuuwi na premyo. Kung sila ay
magkasakit dahil sa sobrang pagod ng kanilang katawan baka kulang pa ang
napanalunan nilang premyo.
Maging ang bansag na Bangus Festival ay lumalabo na rin dahil
sa pagsisingit ng ibang mga gimik gaya ng “litson at pigar-pigar” na mas tila
sikat pa yata ngayon kaysa sa produktong Bangus ng Dagupan.
Kung Malabo na yang titulo na yan mas mabuti na gawin na
lang siguro na “chopsuy” festival ang nangyayari sa Dagupan dahil sa
halo-halong mga event ang isinasalaksak nila sa dati ay napakagandang
silibrasyon ng nasabing festival.
At kung titignan mo sobrang konti na rin ang mga bisita at
mga taong nagsisipagdalo sa nasabing
pagdiriwang dahil sa hindi maayos na pamamalakad ng nasabing Bangus Festival.