Pangasinan Mayors League suppports Gov. Espino
Sa kabila ng pagsasampa ng plunder case na isinampa sa kanya ng dalawang jueteng lord sa Pangasinan, nagpahayag ng suporta ang Pangasinan M...
http://policeheadlines.blogspot.com/2012/12/pangasinan-mayors-league-suppports-gov.html
Sa kabila ng pagsasampa ng plunder case na isinampa sa kanya ng dalawang jueteng lord sa Pangasinan, nagpahayag ng suporta ang Pangasinan Mayors League para kay Gobernador Amado Espino Jr. Ayon kay Noel Nacar na pangulo ng PML, naniniwala sila sa mga nagawa at naipatupad na programa ni Espino kaya ibinibigay nila ang kanilang buong suporta sa kanyang administrasyon Dalawamput walo na mayor ang dumalo sa emergency meeting ng PML noong Lunes upang buuin ang kanilang manifesto of support at upang pag-usapan na rin ang kanilang aksiyon sa brutal na pamamaril sa kanilang miyembro na si Mayor Ruperto Martinez na pinagbabaril sa loob ng kanyang bakuran. Sa pakikipagpanayam sa mga lokal na media, inihayag ng mga alkalde na walang jueteng sa Pangasinan at sa kani-kanilang mga nasasakupan