Gov. Espino denied being involved in jueteng operations in Pangasinan

Diretsahang sinagot ni Pangasinan Gob. Amado Espino, Jr. na pawang paninira lamang ang ginagawa ng kanyang mga kalaban sa pulitika at posib...

Diretsahang sinagot ni Pangasinan Gob. Amado Espino, Jr. na pawang paninira lamang ang ginagawa ng kanyang mga kalaban sa pulitika at posibleng ang kasong isinampa sa kanya ng isang municipal mayor na plunder ay bunsod pa rin ng matinding pulitikahan sa Pangasinan. Lantaran na inamin na ni Mayor Ric Orduna sa media sa Manila na operator siya ng jueteng sa Pangasinan kasama ang ilan pang personalidad. Ayon sa kanyang salaysay, milyon daw ang kanyang naibigay na lagay kay Espino. Ang nakakatawa nga lang si Orduna ang nagdala sa probinsiya kay Atong Ang na siya ngayong operator naman ng jai-alai matapos na matagal ng tumigil ang jueteng operations sa lalawigan. Tinawag ni Orduna ang kanyang sarili bilang "whistle blower" pero kwenestiyon ito ng marami dahil ang gusto ng nasabing alkalde diumano ang patuloy na mamayagpag sa kanyang iligal na operasyon. Kumalas ito kay Espino at sumama sa mga kalaban ng Gobernador at nakipag-alyado rin sa Malacanang para magkaroon ng matibay na suporta para wasakin si Espino sa Pangasinan. Lalo naman na lumakas ang simpatiya kay Espino dahil sa tingin ng mga Pangasinense marami naman itong naipatupad na programa sa lalawigan na nakatulong ng malaki sa kabuhayan ng mga mamamayan. Paniwala ng mga maraming Pangasinense ang lahat ng ginagawa ng alkalde na dati niyang kaibigan ay bunsod ng isang personal na interes na hindi dapat paniwalaan dahil na rin sa kawalan ng kredebilidad ni Orduna.

Related

PANGASINAN CAPITOL 8284414081624261769

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item