COPs Challenge shooting competition ng mga hepe ng Pangasinan, idinaos sa Lingayen

Ang mga nag-champiuon sa COPs Challenge Idinaos naman ang COPS Challenge ng Pangasinan Police Office kung saan nagtagisan ang mah...


Ang mga nag-champiuon sa COPs Challenge


Idinaos naman ang COPS Challenge ng Pangasinan Police Office kung saan nagtagisan ang mahigit na 40 na mga hepe ng lalawigan ng Pangasinan ng kagalingan sa pagbaril. Ayon kay Provincial Director Marlo Chan na siyang nanguna sa shooting competition bahagi ito ng puspusang pagsasanay ng mga miyembro ng kapulisan para mapahusay ang kanilang paghawak at paggamit ng armas.

Bagama’t umuulan hindi alintana ng mga chief of police ang pagsabak sa nasabing contest kung saan pinaglabanan nila ang mga kategorya na standard division, production division at lady category at man versus man competition.


Hindi lang seryosong pagtudla ang ginawa ng mga kalahok sa kompetisyon, dahil pinasaya rin ng naturang event ang mga kantyiwan at tawanan ng mga kalahok.

“Bukod sa pag-aaral natin na maging bihasa sa paghawak ng armas at pagpapalakas n gating tiwala sa sarili, nakakabata rin ang mga ganitong kompetisyon kasi dahil sa ating mga tawanan, nabawasan an ating mga kulobot sa mukha,” pahayag ni PD Chan.

Naunan ng sumali ang Pangasinan sa isinagawang shootfest ng mga pulis sa Clark Mountain Shooting Range noong nakaraang buwan kaya ang naturang aktibidad ay ginaya at ipinatupad din sa Pangasinan.

Pinasalamatan naman ni PD Chan ang mga Range Officer na sumuporta at tumulong sa nasabing event.

Ang mga nagwagi sa Cop Challenge na ito an gang mga sumusunod:

STANDARD DIVISION

Champion- Supt. Rod Espero

1st Runner Up- Sr/Ins Amado Natividad

2nd Runner Up- Police Senior Inspector Rizalino Suarez

PRODUCTION DIVISION

Champion- Supt. Christopher Abrahano

1st Runner Up- Chief Ins Roland Saquiat

2nd Runner Up- Senior Inspector Gilbert Ferrer

LADY CATEGORY

Mira Alagna (champion)

MAN VERSUS MAN

Chief Inspector Giovanni Mangonon

Related

POLICE REPORT 170687691505304312

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item