BF Corporation pinabulaanan na “hindi matibay” ang gawa nilang mga eskuwelahan sa bansa.
Ni Benjie Cordero Nagbigay ng paniguro ang BF Corporation na gumawa ng ilang eskuwelahan sa Pangasinan na hindi sub-standard ang pagk...
http://policeheadlines.blogspot.com/2014/10/bf-corporation-dumipensa-sa-akusasyon.html
Ni Benjie Cordero
Nagbigay ng paniguro ang BF Corporation na gumawa ng ilang eskuwelahan sa Pangasinan na hindi sub-standard ang pagkakagawa ng mga gusaling itinayo ng mga ito at hindi delikado sa mga mag-aaral.Niliwanag ito ni Konsehal Chato Junio, tumatayong Press Relation Officer (PRO) ng BF Corporation sa isang eksklusibong panayam ng pinoymagasin on-line TV.
“Walang dapat ikabahala ang mga magulang dahil hindi yan aaprubahan ng DepEd National kung hindi pasado ang disenyo sa kanila,” pahayag ni Junio habang ipinaliwanag nito na mayroong inupahang Technical Consultant ang DepEd na sumusuri sa lahat ng kanilang disenyo bago simulan ang proyekto.
Idinagdag nito na ang nasabing Consultant ay bihasa sa structural analysis at mayroon din itong koneksyon sa mga eksperto mula sa Japan.
Siniguro din ni Junio ang makabagong teknolohiya na ginagamit ng kanilang kumpanya kung kaya’t maasahan ang tibay ng mga materyales na ginagamit nila at pasado sa pamantayan ng kagawaran. Pamantayan na hindi basta-basta magigiba kahit na dumaan ang malakas na lindol o’ bagyo.
Maski daw si Junio na isang Civil Engineer ang propesyon ay nagduda noong una sa pre-fabricated na materyales ng BF Corporation subalit nang makita at mapag-aralan niya ito ng mabuti ay doon niya nakita ang tibay ng nasabing sistema ng konsruksyon.
“Kaya dapat mapawi ang pangamba ng mga magulang ganun na rin ang mga guro dahil ligtas ang mga gusaling itinatayo namin,”pahayag ni Junio na nagsabi rin na sapat ang ekspirensiya ng kanilang kompanya noon pang 2012 nag-umpisa sa ganitong negosyo.
Sa tagal na yon, ayon pa kay Junio, ang kanilang mga gawa ay dumaan na rin sa masusing pagsubok at matapos na daanan ng mga kalamidad subalit wala naman daw naiulat na nawasak o nasira. (Panoorin ang buong video)