Mga palpak na proyekto ni Cojuangco noong kongresman pa siya, sumingaw

Tila panlilinlang ang ginagawa ng dating kongresman na si Mark Cojuangco at financier nito na Chinese importer na si Engr. Rosendo So ma...


Tila panlilinlang ang ginagawa ng dating kongresman na si Mark Cojuangco at financier nito na Chinese importer na si Engr. Rosendo So matapos daw nilang ipahayag ang bumubuhos na suporta ng ilang mga pulitiko para buhayin ang nagsarang Bayambang Central School. Ginagamit ng dalawang magka-alyado ang Facebook para i-post diumano ang bumubuhos na suporta ng mga nagbibigay donasyon para buhayin ang nagsarang eskuwelahan.

 “Kung talagang tutulong sila bakit humihingi pa ng donasyon, di ba si Cojuangco at So mayaman, bakit pa sila namamalimos ng tulong ipagawa na nila ang buong school,” pahayag ng isang guro na dismayado sa panunulsol ng dalawa upang muling buhayin ang isyu ng Bayambang Central School na ngayon nakabinbin sa Court of Appeals. 

“Hindi ko alam kung nagtatangatangahan si Cojuangco at So, useless din ang kanilang ginagawa dahil may legal na usapin yang isyu nay an, hindi nila puwedeng idikta ang gusto nila na parang sila ang hari ditto sa aming bayan,” pahayag ng ilang konsehal na hindi na nagpakilala. 

Nauna ng umapela si Mayor Ric Camacho sa dalawa na tigilan na muna ang panggugulo sa kanilang bayan dahil ito ay suliranin ng pamahalaang local at may kaso pa ito sa korte at hinihintay ang desisyon kaugnay ng temporary restraining order na inisyu ng korte sa Department of Education upang mailipat ang mga mag-aaral sa bagong gusali kung saan mas komportable ang kanilang pag-aaral. 

Ang dating gusali ng BCS ay sira-sira na at wala na rin pasiledad ditto na magagamnit ng mga estudyante. Para daw bata si Cojuangco na ipinipilit ang gusto at halatadonbg nagpapapansin ito dahil na rind aw sa ambisyon niyang tumakbo para sa pagka-gobernador sa 2016 kung kaya’t nangangalap ito ng simpatya. Ayon naman kay Mayor Camacho mas marami ang mga magulang na pumapabor sa bagong pinaglipatan ng mga mag-aaral ng BCs kaya “useless din” ang simpatya na hinahabol ni Cojuangco at ni So.

 Lumutang tuloy ang ilang maanomalya diumanong mga proyekto ni Cojuangco noong kongresman pa siya. Isa na rito ay ang isang eskuwelahan na ipinatayo niya sa Brgy. Bersamin na inabandona niya matapos na iniwan na lang itong nakatiwangwang sa gitna ng bukid. Ang nasabing eskuwelahan ay ipinatayo ni Cojuangco sa gitna ng bukid at wala naming daan na ipinagawa ito para madaanan ng mga estudyante. 

Kinompirma ng mga magsasaka doon na ang nasabinbg gusali ay nagsilbing silungan na lang ng kambing at baka dahil hindi nagagamit. Natapos na ang termino ni Cojuangco at inilukluk niya ang kanyang asawang si Kimi Cojuangco na wala ring nagawa upang ituloy ang mga sankaterbang mga “white elephant” na proyekto iniwan ni Cojuangco. 

“Kung ganyan pala ang istelo niyan papaano yan magiging gobernador,” pahayag ng isang vendor ng buro sa palengke ng Bayambang. Kung totoo raw na magbibigay ng P1 milyon si Cojuangco sa BCS, mas mabuti pa daw na unahin niyang ayusin ang ipinagawa niyang eskuwelahan sa Alcala na nabubulok na para mapakinabangan naman ng mga mamamayan sa kanyang distrito.

 “Nakikialam siya sa Bayambang, hindi naman niya distrito ito,” komento pa rin ng isang konsehal. Pati si So ay binatikus din ng mga mamamayan dahil hindi raw nila maintindihan ang kanyang motibo ng pagpopondo sa kandidatura ni Cojuangco. 

“Siguro habol din niyang bawiin ang mga ginagastos niya o imonopolya ang ilang mga negosyo kapag nakaupo ang kanyang among si Cojuangco,” banat ng isang department head sa munisipyo. Isang guro sa bagong gusali na pinaglipatan ng mga estudyante ng BCS ang nagsabi na akala niya “malinis daw si Cojuangco at walang mantsa”. 

“Akala namin matino, eh bakit ganun may mga palpak din palang proyekto yang si Mr. Cojuangco, papaano yan tumatakbo siyang gobernador baka puro white elephant ang mga itatayo niyan sa Pangasinan,” pahayag ng guro na hindi na nagpakilala. Ginagamit ni Cojuangco at So ang isang pangulo daw ng Parents Teachers Association (PTA) na kumikilos ng hindi na sinasangguni ang ibang opisyal ng PTA sa BCS. 

Maging ang isang pulitiko na si Konsehal Chato Junio ay hinikayat daw ni Cojuangco na sumakay sa isyu dahil na rin sa ambisyon ng una na tumakbo para sa pagka-alkalde sa nasabing bayan. Nagkakaroon na rin daw ng sigalot ang nasabing konsehal at ang bise alkalde ng Bayambang na bata naman ni So na pinangakuan niyang suportahan dahil din sa ambisyon nitong tumakbo sa pagka-alkalde din sa 2016.

Related

NEWS 4782660710580940186

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item