Sorry ni Cynthia Villar, di daw sapat
Mukhang nasobrahan ni Cynthia Villar ang kanyang propaganda at sa paghahagilap niya ng magandang sasabihin para pumapel sa mga bota...
http://policeheadlines.blogspot.com/2013/03/normal-0-false-false-false-en-us-x-none.html
Mukhang nasobrahan ni Cynthia Villar ang kanyang propaganda
at sa paghahagilap niya ng magandang sasabihin para pumapel sa mga botante,
nasobrahan niya yata ang kanyang kadaldalan at pati mga nurses na Pilipino ay
nalait niya sa kanyang mga pahayag.
Imbis na mapalapit siya sa mga botante, lalo pang nakasama
at ikinagalit ng libo-libong nurses sa bansa ang termino niyang “room nurse”
lang daw ang kinakalabasan ng mga nagtatapos ng kurso na napapadpad sa ibang
bansa.
Ang hindi niya alam dahil mayaman na siya, mahirap ang
trabaho ng mga nurses, karamihan sa kanila totoong halos magpa-alipin sa ibang
bansa dahil sa kawalan ng oportunidad dito sa ating sariling bayan. Subalit
huwag natin isantabi ang katotohanan na ang mga nurses na nagtatrabaho sa
abroad ay mga bayani na tulad din ng ibang mga OFW na nagpapakahirap sa ibang
bayan para lang makapag-uwi ng dolyar na mahalaga din naman sa ating ekonomiya.
Imbis na magbigay ng suhestiyon si Cynthia Villar, naging panlilibak
tuloy ang tunog ng kanyang ginawang pagsasalita kontra sa mga nurses. Sa kabila
ng kanyang paghingi ng sorry, nakasakit na siya ng damdamin at tila mahirap ng
kalimutan ito ng kanyang mga nasaktan na nurses.
Dahil diyan Malabo daw na manalo si Cynthia Villar dahil
kahit anong pilit niyang pagpigil sa kanyang ugali, lumalabas pa rin ang tunay
niyang attitude kontra sa publiko.