Bagsakan Market sa Urdaneta, makakatulong sa ekonomiya
Malaki ang maitutulong ng bagong bukas na Xentromart Bagsakan sa lungsod ng Urdaneta lalo na’t ito ang magsisilbi ito na pinakamalaking a...
http://policeheadlines.blogspot.com/2014/02/bagsakan-market-sa-urdaneta.html
Malaki ang maitutulong ng bagong bukas na Xentromart Bagsakan sa lungsod ng Urdaneta lalo na’t ito ang magsisilbi ito na pinakamalaking agri-trading center sa lalawigan ng Pangasinan, ayon kay Mayor Amadeo G.E. Perez IV, na siyang magpapasigla ng kalakal at negosyo na magpapa-angat sa ekonomiya at magpapatingkad ng imahe ng lungsod bilang “clean and beautiful”.
Inasahan na sa pamamagitan ng Xentromart Bagsakan, malilinisan na rin ang sidewalk ng Urdaneta at sa gilid ng kalsada ng Poblacion na pansamantalang pinayagan na makapagtinda dahil na rin sa kakulangan ng ispasyo sa loob ng public market dito.
Si Mayor Perez ang nagsilbing panauhing pandangal sa pagbubukas ng nabanggit na bagong gusali.
Ayon pa kay Perez ang pagpapalawak ng trading area ng Urdaneta ay makakatulong din upang maibsan ang masikip ng trapiko sa nasabing lungsod.
Bukod sa programang ekonomiya, ipinatupad na rin ni Perez ang programang pangkalinisan sanhi ng magkasunod na pagwawagi ng nasabing lungsod ng dalawang award bilang pinakamalinis na siyudad sa Region 1 nong mga nakaraang taon.
Ayon naman kina Atty Liberato Reyna, chairman of the board ng Centromart at Manuel Roy, general manager, malaki ang kaibahan ng Xentromart sa ibang kompanya dahil mayroon itong cold storage facility na magpapanatili ng pagiging sariwa ng mga produktong ibebenta sa nasabing pamilihan.
Marami din daw puwedeng makapagpwesto sa Xentromart maging ang mga ito ay retailers o whosesalers dahil mura lang ang upa dito.
Bukod sa maluwang ang puwesto, may iba’t ibang sukat ang mga stalls na puwedeng rentahan dito at komportable din ito sa mga mamimili dahil sa lokasyon nito at pagiging malinis.
Ang Xentromart ay mayroong 144 na mga stalls, mezzanine at espasyo para sa opisina at pahingahan.