Mayor Espino ng Bugallon, tutok sa kaso ng malnutrisyon

Muling isinagawa ni Mayor Jumel Espino ng bayan ng Bugallon ang programa nito na ONE Bugallon kung saan iba’t ibang serbisyo ng municipal...


Muling isinagawa ni Mayor Jumel Espino ng bayan ng Bugallon ang programa nito na ONE Bugallon kung saan iba’t ibang serbisyo ng municipal government ang inilabas ni Mayor Jumel Espino upang mapagsilbihan ang kanyang mga kababayan.

Ayon kay Espino isang sistema ito kung saan ang mismong pamahalaan ng munisipyo ang dinadala at inilalapit sa mga barangay. Kabilang sa mga serbisyo na ipinagkakaloob sa One Bugallon ay ang pagbibigay ng cedula, licensing, medical check-up o pagbibigay ng libreng gamot, police clearance at iba pa.


Ayon kay Mayor Espino tinututukan din niya ang mataas na kaso ng malnutrisyon dahil maraming mga bata dito ay sobrang payat dahil sa kapabayaan ng nakaraang administrasyon.

“Nakakahiya naman na ang mayor mataba pero maraming mga bata ang kulang sa sapat na nutrisyon”, pahayag ni Espino na bumuo na ng task force na magtitimbang sa mga bata bago isagawa ang kanilang feeding program sa mga barangay.

Inumpisahan din daw ni Espino ang kanyang programa matapos ang kanyang obserbasyon na karamihan sa mga pumupunta sa munisipyo mula ng umupo ito ay yong mga nanghihingi ng financial support samantalang yong mga may mga kailangan na dokumento ay halos hindi daw makaluwas ng bayan dahil sa kawalan ng pamasahe.

Ang pinakamalaking matutulungan daw ng One Bugallon ay mga mahihirap at mga matatandang mamamayan na nahirapan ng magbiyahe.

Ayon sa paliwanag ng batang alkalde, ang pagdadala ng serbisyo sa barangay ng kanyang pamunuan ay isang pamamaraan lang daw nito upang masuklian at maibalik ang pagmamahal na ipinagkaloob sa kanya ng mga mamamayan ng Bugallon noong nakaraang eleksiyon sa pamamagitan ng serbisyo. (Raphael Manaois/Errol Jurado)


Related

NEWS 7936902868646057325

Follow Us

Facebook:

Total Pageviews

HOT IN THE WEEK

PANGASINAN BEAUTY

PANGASINAN BEAUTY
item