Gobernador ng Cebu dumalaw sa Pangasinan
Dumalaw dito ang Gobernador ng probinsiya ng Cebu na si Gov. Hilario Davide III, kasama ang mga department heads nito upang pag-aralan a...
http://policeheadlines.blogspot.com/2014/02/gobernador-ng-cebu-dumalaw-sa-pangasinan.html
Dumalaw dito ang Gobernador ng probinsiya ng Cebu na si Gov. Hilario Davide III, kasama ang mga department heads nito upang pag-aralan ang sistema sa pamamalakad ng mga district hospitals ng lalawigan.
Napili daw ni Gob. Davide ang Pangasinan dahil balitado raw ang Pangasinan na isa sa mga lalawigan sa buong Pilipinas na mayroong pinakamagandang programang pangkalusugan kung kayat dito daw sila kukuha ng ‘tip’ kung papaano ang epektibong pagpapatakbo ng kanilang mga ospital sa Cebu.
Bago bumisita si Davide sa ilang ospital ng probinsiya, inilibot din ito sa pasiledad ng Capitol building kung saan napahanga ito sa magandang Kapitolyo at iba pang mga pasiledad ng provincial government.
Ang Cebu ayon kay Davide ay mayroong 16 na district hospitals at apat dito ay mga provincial hospitals na ngangailangan ng improvement. Karamihan din sa reklamo ng mga Cebuano, ayon kay Davide, ay ang mabagal at mahinang serbisyo ng mga ospital dito kung kaya’t ang may mga karamdaman sa mga karatig bayan ay kinakailangan pang dalhin sa Cebu city.
Nagpasalamat naman si Gov. Espino sa kapuwa niya gobernador sa pagkakapili niya sa Pangasinan upang dito usagawa ang kanilang study tour. (Raphael Manaois)